Sistemang Pang-edukasyon

Hanggang ngayon pa ba'y may hinaharap pa rin tayong isyu sa sistemang ito? Alamin natin!

Mobirise

Imahe ng mga mag-aaral na nagsisikip sa isang silid

Isyu sa Sistemang Pang-edukasyon

Hindi perpekto ang sistemang pang-edukasyon sa ating sariling bansa. Ngayong bago na ang normal sa atin dulot ng pandemiya, mas lalong nahihirapan ang mga mag-aaral at ang mga guro sa pakikisabay sa klase.

Noon pa man ay may isyu na tungkol sa mga gurong namamahiya ng mga estudyante. Ngayon din ay mayroong mga gurong hindi nagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral kahit na tayo'y nakakaranas ng paghihirap dulot ng pandemiya.

Panoorin

Youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=E1tMkLCsOaE

Kakulangan sa guro

Sa kasalukuyang panahon, dumadami ang bilang ng mga mag-aaral lalo na sa mga pampublikong paaralan, kaya mas madaming guro ang kailangan upang maturuan silang lahat. Makikita sa nobelang El Filibusterismo na ang prayle na si Padre Millon ay nagtuturo ng asignaturang hindi angkop sa kaniyang natapos. Maaaring ito rin ang mangyayari sa ibang mga guro dahil sa kakulangan ng kagaya nila sa mga paaralan.

Malasakit at lugod sa pagtuturo

Ayon kay Rizal, ang magtuturo'y hindi lamang matalino at saklaw ang kaniyang itinuturo, kung hindi'y dapat maging malasakit at masaya sa pagtuturo. Walang silbi ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung hindi dedikado ang magtuturo na makapagturo sa mga estudyante ng maayos. Para sa akin, dapat rin silang magsaya habang nag-aaral upang hindi sila mawawalan ng gana sa pag-aaral. Kapag sila'y ganito magturo, hindi nila magagawang insultuhin at pahiyain ang kanilang mga estudyante. Mauunawaan at magugustuhan din nila ang mga natututunan nila sa klase. 

Mobirise

Larawan ng isang guro na nagtuturo

Paano ito malulunasan?

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng kakulangan sa mga guro dito sa Pilipinas ay dahil sa maliit na sahod na kanilang natatanggap. Kaya para sa akin, dapat ay mas malaki ang sahod ng mga guro lalo na sa mga nagtuturo sa pampublikong paaralan. Makakatulong din ang pagsasali ng mga guro sa mga seminar tungkol sa kanilang dapat gawin. Kapag masaya ang klase, mas mauunawaan at magugustuhan ng mga mag-aaral ang mga itinalakay na paksa. Hindi na sila aasa sa pagkakabisado lamang sa aklat. 

© Copyright 2021 Makabayan - All Rights Reserved

Web page was designed with Mobirise