Follow Us
Share our website to the following social media platforms to spread information and make this community bigger!
Tuklasin ang ugnayan sa isyung ito mula sa nobela ni Jose Rizal na pinamagatang "El Filibusterismo" at sa kasalukuyang panahon
Panoorin para sa karagdagang kaalaman ukol sa kabanatang ito
Sa kabanatang ito, makikilala natin si Padre Millon. Siya ay isang guro na nakapagtapos ng Pilosopiya at Teolohiya ngunit ang kaniyang tinuturo sa paaralan ay magkasalungat na asignatura mula sa kaniyang natapos dahil Kemika at Pisika ang itinuturo niya sa klase.
Makikita sa kabanatang ito kung anong klase siyang guro. Nang magtuturo na siya sa kaniyang asignaturang Pisika, tinanong niya ang isang antukin. Hindi niya ito natalakay ng maayos sa klase, kaya parang sirang plaka o ponograpo ang mag-aaral sa pagtugon sa mga tanong niya. Isinasaulo lamang nila ang mga leksiyon sa asignaturang iyon kahit na hindi nila maintindihan ng maayos dahil kahit ang guro mismo'y walang kaalam-alam sa bagay na iyon. Ipinatigil niya ang estudyante sa pagsasagot, at saka binato ng mga insulto.
Nagtatawanan ang mga ibang mag-aaral nang mapahiya niya ang kawawang estudyante. May mga tinanong din siyang ibang mag-aaral katulad nina Pelaez at Placido. Ang mga naging sagot nila'y nakabatay lamang sa kanilang isinaulo mula sa aklat. Inulan naman ng pari sina Placido ng mga mura at insulto. Hindi na nakayanan ni Placido ang ginagawa ng prayle sa kaniya kaya siya'y umalis sa klase.
Natapos na lamang ang klase at nakauwi na ang mga mag-aaral na walang natutunan.
larawan ng mga estudyante
Hindi perpekto ang sistemang pang-edukasyon sa ating sariling bansa. Ngayong bago na ang normal sa atin dulot ng pandemiya, mas lalong nahihirapan ang mga mag-aaral at ang mga guro sa pakikisabay sa klase.
Noon pa man ay may isyu na tungkol sa mga gurong namamahiya ng mga estudyante. Ngayon din ay mayroong mga gurong hindi nagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral kahit na tayo'y nakakaranas ng.... Read More>>
Oo, naging makatotohanan ang isyu sa sistemang pang-edukasyon mula sa kuwento at sa panahon ngayon. Hindi maitatanggi na hanggang ngayo'y mayroon pa ring mga gurong nagtuturo ng asignaturang malayo sa kaniyang natapos dahil na rin sa kakulangan ng mga guro lalo na sa pampublikong paaralan.
Kahit na ang isyung ito ay matagal nang nangyayari, hindi pa rin ito tuluyang nawawala hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa aking palagay, maaaring walang masyadong batas na tumutugon sa isyung ito. Kapag walang batas para sa isyung ito, magpapatuloy ang mga gurong abusado sa pang-iinsulto sa mga mag-aaral, maghihirap ang mga estudyante, hindi mawawala ang paboritismo ng mga guro, at iba pa. Kawawa ang mga guro at mga mag-aaral, lalo na ang mga nais na makapagtapos at makapagtrabaho.
Makikita sa nobelang El Filibusterismo ang mga paghihirap na napagdaanan ng ating mga ninuno mula sa kamay ng mga Kastila. Mapupukaw ang ating pagmamahal sa bansa at sa ating kapwa dahil sa nobelang ito. Dito natin maaalala na kailangang baguhin ang mga bagay na may hindi magandang dulot sa ating bansa. Kailangan nating masolusyonan ang mga isyung hanggang ngayo'y nabubuhay pa na makikita sa nobelang El Filibusterismo. Isa pa, kabilang na sa ating kasaysayan ang nobelang ito dahil sa nilalaman nitong tungkol sa nangyayari sa ating bansa noon. Marami tayong matututunan at maaaring matutunan din ng susunod na henerasyon.
Hindi perpekto ang sistemang pang-edukasyon sa ating sariling bansa. Ngayong bago na ang normal sa atin dulot ng pandemiya, mas lalong nahihirapan ang mga mag-aaral at ang mga guro sa pakikisabay sa klase...
Ang nangyaring 1872 Cavite Mutiny ay pinamumunuan ni Fernando La Madrid bilang pagtutol sa hindi makatwirang pagtrato sa kanila lalo na sa nangyayaring sapilitang paglilingkod kahit na binabayaran nila ito upang makaiwas sa tungkulin...
https://mobirise.com free site software