Follow Us
Share our website to the following social media platforms to spread information and make this community bigger!
May kakilala ka bang katulad ng GOMBURZA? Kilala mo ba sila?
Si Padre Gomez ay ang may-ari ng "La Verdad", isang palimbagan kung saan sumusulat ng artikulo si Padre Burgos. Isa siya sa mga tagataguyod ng karapatang maging pantay ang paring Pilipino at mga paring Kastila. Binitay siya sa edad na pitongpu't dalawa (72).
Si Padre Burgos ay kilala bilang tagapagtanggol ng mga Pilipinong pari at aktibo siya sa sekularisasyon. Siya'y tatlompu't limang (35) taong gulang nang siya'y binitay sa garote.
Si Padre Zamora ay aktibo rin sa sekularisasyon upang ipagpatuloy ang adhikain ni Padre Pelaez. Isa din siya sa inakusahan ng pag-aalsa gamit ang ebidensyang pagsusugal niya pagkatapos sa misa.
Sa kuwentong ito, ang bida na si Soraya ay may abusadong asawa na ang pangalan ay Ali. Gustong gusto nang makipaghiwalay sa pamamagitan ng diborsiya si Ali kay Soraya upang mapakasal sa isang labing apat (14) na taong gulang na babae. May anak na sina Ali at Soraya kaya nang mamatay ang bago niyang asawa, inalagaan ni Soraya si Ali ulit. Hindi alam ni Soraya na gumagawa na pala ng masasamang paraan ang abusado niyang asawa noon upang siya'y mapabintangan at makawala dahil sa kagustuhan niyang maghanap ng bagong asawa.
Kung mamamatay si Soraya ay wala na siyang babayarang suporta para sa kanilang anak. Kaya kinalat niya sa buong lugar na manloloko at hindi nakukuntentong asawa si Soraya. Binubugbog niya pa ang kawawang babae sa harap ng publiko. Minanipula ni Ali ang lahat, kaya nagresulta ito sa pagbabato kay Soraya ng mga bato at ang kaniyang pagkamatay.
Ginawa ni Zahra, ang tita ni Soraya, ang lahat upang mapatunayang nanloloko lamang si Ali. Nang makapag-usap siya sa isang mamamahayag, binahagi niya ang karumaldumal na sinapit ni Soraya sa abusado niyang asawa noon.
Sina Padre Burgos, Padre Gomez, at Padre Zamora ay binintangan sa bagay na wala naman silang kinalaman. Ang nais lamang nila'y magkaroon ng pantay sa karapatan bilang Pilipinong pari. Ngunit ang nangyari sa Cavite ay ginamit ng kanilang kalaban upang patayin sila. Huli na ang lahat nang malaman mula sa bibig ni Zaldua na inosente ang GOMBURZA.
Katulad nito'y nangyari ito kay Soraya dahil lamang sa kasakiman ng kaniyang abusadong asawa noon. Nang hindi siya matamaan ng bato na hawak ng kaniyang tatay, isang mensahe na iyon sa kanila tungkol sa pagka-inosente ni Soraya sa lahat ng kalokohan ni Ali. Ngunit pinagpatuloy pa rin niyang batuhin ang kawawang babae. Pinilit din niya ang anak nilang gawin iyon. Sa kuwento ng GOMBURZA, naniniwala ang Simbahan na walang kasalanan ang mga pinatay na pari. Gayundin kay Soraya na walang awang pinatay.
Ang mga kasong ganito ay maaaring nangyayari pa rin sa kasalukuyan lalo na kapag may kapangyarihan at pera ang iyong asawa. Ang mga babae ay hindi isang paggawaan ng anak o taga-hatid ng kagustuhan ng mga lalaki. Walang tao, lalo na ang mga babae, na dapat tratuhin ng ganiyan. Hindi rin dapat pinangungunahan ang pagpapataw ng kaparusahang may kaunting ebidensiya lamang. Dapat ay habang buhay na makukulong at magsisisi ang mga sangkot sa pagkamatay ni Soraya.
Author
Hi! I'm Sonaya Y. Misbak, a 16 year old student from Xavier University Junior High School. This is my....
Hindi perpekto ang sistemang pang-edukasyon sa ating sariling bansa. Ngayong bago na ang normal sa atin dulot ng pandemiya, mas lalong nahihirapan ang mga mag-aaral at ang mga guro sa pakikisabay sa klase...
Ang nangyaring 1872 Cavite Mutiny ay pinamumunuan ni Fernando La Madrid bilang pagtutol sa hindi makatwirang pagtrato sa kanila lalo na sa nangyayaring sapilitang paglilingkod kahit na binabayaran nila ito upang makaiwas sa tungkulin...
Made with Mobirise web page theme