GOMBURZA

Ito ang kuwento ng tatlong pari na binitay sa garote dahil sa akusang sila'y nangunguna sa pag-aalsang nangyari sa Cavite Mutiny 1872 noong ika-17 ng Pebrero 1872.

YouTube link: https://www.youtube.com/watch?v=3PDYOFOnTQU&feature=emb_logo

Paano nasangkot ang GOMBURZA?

Ang nangyaring 1872 Cavite Mutiny ay pinamumunuan ni Fernando La Madrid bilang pagtutol sa hindi makatwirang pagtrato sa kanila lalo na sa nangyayaring sapilitang paglilingkod kahit na binabayaran nila ito upang makaiwas sa tungkulin na iyon. Ang orihinal na mangyayari sana ay ang pagsabog na magiging hudyat sa kanilang pag-aalsa, ngunit hindi ito nangyari.

Ang balitang pag-aalsa nila ay umabot sa mga Kastilang opisyales sa Maynila, kaya't agad nilang inutos ang pagsupil sa nangyayaring pag-aaklas. Dahil dito'y ang mga kasali sa pag-aalsa ay pinatay kasali na ang tatlong pari; Gomez, Burgos, at Zamora. Ang iba nama'y ipinatapon sa Mindanao.

Ang tatlong pari ay aktibo sa sekularisasyon dahil ang kanilang nais lamang ay ang magkaroon ng pantay na pagtrato at karapatan sa mga Pilipinong pari at Kastilang pari. Nais din sana nilang magkaroon ng sariling parokya.

May isang taong Fransisco Zaldua na nag-aaklas sa pangalan ni Padre Burgos, ayon sa testigo ni Sarhento Bonifacio Octavo. Nakikipagsabwatan daw si Padre Burgos sa Amerika na siyang kinakatakutan ng mga Kastila. Ito ang naging dahilan kung bakit sila nasangkot at pinatay kahit na sila'y inosente.  

© Copyright 2021 Makabayan - All Rights Reserved

Made with Mobirise html site themes